Isa ang agad na namatay habang isa ang sugatan sa nangyaring pamamaril pasado alas 8:00 nitong gabi Marso 5, 2025, sa Salunayan sa bayan ng Midsayap sa Cotabato province.
Kinilala ng mga police investigators at barangay officials sa Salunayan ang nasawi na isang Jester James Payot, 22 anyos at may-ari ng CJ Glass and Aluminum Supply sa Barangay Salunayan.
Isang residente ng naturang barangay na inaalam pa ang tunay na pangalan ang sugatan sa insidente.
Sa ulat nitong Huwebes ng mga barangay officials at ng mga imbestigador ng Midsayap Municipal Police Station, nasa kanyang establisemento si Payot ng lapitan ng isang lalaki pinaputukan ng pistol ng tatlong beses na nagsanhi ng kanyang agarang kamatayan.
Mabilis na nakatakas ang salarin, ayon sa mga saksi.
Tinamaan ng ligaw na bala ang isa sa tatlong tao nasa loob ng establisemento ni Payot na nakilala lang sa palayaw na Kulot na agad namang naisugod sa hospital para malapatan ng lunas. (March 6, 2025)