Home » Cotabato gov, 6th ID patuloy ang tulungan sa peace programs

Cotabato gov, 6th ID patuloy ang tulungan sa peace programs

Nagkasundo sina Cotabato Gov. Emmylou Taliño-Mendoza at ang bagong talagang commander ng 6th Infantry Division, si Major Gen. Donald Gumiran, na palawigin pa ang kanilang koordinasyon sa pagpapanatili ng kapayapaan sa mga bayan sa Cotabato province na sakop ng 6th ID.

Kabilang sa mga lugar na sakop ng 6th ID na nasa teritoryo ng Cotabato province ang walong bagong tatag na mga Bangsamoro municipalities na ang mga residente ay patuloy pa ring siniserbisyuhan ng tanggapan ni Gov. Mendoza kahit na sila ay nasa pangangalaga na ng regional government ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao.

Si Gov. Mendoza ang siyang chairperson ng influential na inter-agency at multi-sector Regional Development Council 12 na kasapi din ang mga provincial governors ng Sultan Kudarat, South Cotabato at Sarangani at mga local government units ng Kidapawan, Tacurong, Koronadal at General Santos.

Sa isang pagtitipon nitong Biyernes sa headquarters ng 6th ID sa Camp Siongco sa Datu Odin Sinsuat sa Maguindanao del Norte, pinasalamatan ni Gov. Mendoza si Major Gen. Gumiran sa kanyang mga naitulong sa mga peace, security and humanitarian programs ng Cotabato provincial government noong siya pa ang commander ng 602nd Infantry Brigade na naka-base sa Carmen, isa sa 17 municipalities sa Cotabato, bago siya naging 6th ID commander.

Tiniyak din ng gobernadora, sa naturang okasyon, ang kanyang suporta sa mga peace and security programs ni Gumiran sa Cotabato province at sa lahat ng mga lugar sa Central Mindanao na ang mga local executives ay kasapi ng Regional Development Council 12.

Kasama ni Gov. Mendoza sa pagtungo sa Camp Siongco para sa naturang thanksgiving dialogue sina Bangsamoro Parliament Member Kelly Antao, ang mga miyembro ng Cotabato Sangguniang panlalawigan na sina Sittie Eljorie Antao-Balisi, Roland Jungco at Edwin Cruzado, ang executive secretary ng governor’s office na si Jessie Enid, Jr., ang mga mayors na sina Evangeline Guzman ng Kabacan, Eduardo Cabaya ng Aleosan, Juanito Claud Agustin ng Pigcawayan, Russel Abonado ng Mlang, Angel Rose Cuan ng Libungan, Sumulong Sultan ng Pikit, Rolly Sacdalan ng Midsayap, Jesus Alisasis ng Banisilan, si Matalam Vice Mayor Ralph Ryan Rafael, ang dating Cotabato Vice Gov. Shirlyn Macasarte at marami pang iba. (MARCH 2, 2025) 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *