Agad na namatay sa tatlong tama ng bala si Engineer Roland Dagu-an, 28-anyos, sanhi ng pamamaril ng isang construction worker mismo sa ginagawang KCC Mall building sa sentro ng Cotabato City nitong hapon ng Miyerkules, February 19, 2025.
Sugatan din sa insidente ang isa pang construction worker na si Reno Delos Santos.
Naaresto naman ng mga pulis na nagresponde sa insidente ang itinuturong responsable sa krimen na isa ding construction worker na diumano may galit kay Dagu-an na taga Pagadian City, ang kabisera ng Zamboanga del Sur. (February 19, 2025)