Home » School principal sa Zamboanga, arestado sa rape

School principal sa Zamboanga, arestado sa rape

Isang 59-anyos na lalaking school principal ang nasa kustodiya na ng Zamboanga City Police Office, naaresto sa kasong panggagahasa ng menor-de-edad na babaeng estudyante.

Sa mga hiwalay na ulat nitong Miyerkules ng Zamboanga City Police Office at ng Police Regional Office-9, kusang nagpaaresto na ang suspect nitong gabi ng Linggo sa mga kasapi ng Zamboanga City Police Station 4 ng malaman na may warrant of arrest para sa kanya sa mula sa isang korte kaugnay ng kasong statutory rape na isinampa sa kanya ng mga magulang ng kanyang diumano biktima.

Ang warrant of arrest para sa suspect, principal ng isang public high school sa Zamboanga City, ay mula sa Regional Trial Court Branch 16 sa naturang lungsod, may petsang January 28, 2025 at pirmado ni Judge Ruben Garcia Pajarito.

Walang piyansang nirekomenda ang korte para sa pansamantalang paglaya ng suspect, ayon sa mga opisyalng Zamboanga City police force at mga local government officials. (February 12, 2025) 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *