Isang motorsiklo na tatawid sana, ngayon umaga ng Lunes, February 10, 2025, sa Delta Bridge na nag-uugnay sa Sultan Kudarat, Maguindanao del Norte at Cotabato City ang biglang nagliyab at tuluyan ng natupok.
Nagsanhi ng bahagyang pagkabalam ng daloy ng mga sasakyan sa naturang tulay na nasa ibabaw ng makasaysayang Rio Grande de Mindanao, ang pinaka-malaki at pinaka-mahabang ilog sa Central Mindanao.
Wala naman tinamong injury ang motoristang sangkot sa insidente, ayon sa inisyal na ulat ng pulisya.
Inaantabayan pa ang mga kumpletong ulat ng Bureau of Fire Protection-Cotabato City, ang municipal BFP unit sa Sultan Kudarat at ng pulisya hinggil sa insidente. (February 10, handout photo)