Maghahatid sana ng shabu sa contact, nasabat Marawi City

Isang motoristang maghahatid sana ng P408,000 na halaga ng shabu sa isang buyer ang nasabat sa isang police checkpoint sa Marawi City nitong umaga ng Lunes, August 26, 2024, ayon sa ulat nitong Huwebes ng tanggapan ni Brig. Gen. Prexy Tanggawohn, director ng Police Regional Office-Bangsamoro Autonomous Region.

Patungo sana ang suspect sa bayan ng Mulondo sa Lanao del Sur ng biglang nagtangkang umiwas, lumiko pabalik, ng mapansin na may mga pulis na nagsasagawa ng inspection ng mga dumadaan sa isang kalye sa Barangay Patani sa Marawi City, kaya siya hinabol ng mga ito at nadetine.

Nalaman ng mga pulis na kasapi ng Marawi City Police Office na kaya pala umiwas sa checkpoint ang naturang motorista dahil may dalang P408,000 na halaga ng shabu na kanya sanang ihahatid sa isang contact sa Molundo.

Natagpuan ang apat na malalaking pakete ng shabu sa waist bag ng suspect ng kanila itong tingnan kaugnay ng kanilang pagsiyasat kung bakit siya nagtangkang iwasan ang police checkpoint sa Barangay Patani sa Marawi City, ang kabisera ng probinsya ng Lanao del Sur. (August 29, 2024)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *