7 na terrorists sumuko sa 6th Infantry Division

Pitong mga kasapi ng isang teroristang grupong sangkot sa pambobomba at nangingikil ng pera sa mga negosyante ang sumuko sa Philippine Army nitong Martes, January 28, 2025.

Sa pahayag nitong Miyerkules ni Army Brig. Gen. Donald Gumiran, commander ng 6th Infantry Division, nangakong magbagong buhay na ang pitong mga kasapi ng ngayon ay mahina ng Dawlah Islamiya sa isang seremonyang ginanap sa Midsayap sa probinsya ng Cotabato.

Sumuko ang pitong terorista sa magkatuwang na pakiusap ni Midsayap Mayor Rolly Sacdalan, ni Mayor Anwar Saluwag ng bagong tatag na bayan ng Nabalawag sa Cotabato, at ng mga opisyal ng 34th Infantry Battalion at ng 602nd Infantry Brigade.

Ipinakustodiya muna ng pitong Dawlah Islamiya members ang dalawang M14 rifles, dalawang M79 grenade launchers, dalawang M1 Garand rifles, isang bolt action 7.62 millimeter sniper rifle at mga improvised explosive devices sa 34th IB bago sila nanumpa ng katapatan sa pamahalaan nitong Martes sa harap mga local officials sa social hall ng Midsayap local government unit. (Jan. 29, 2025)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *