Dalawang residente ng Tupi, South Cotabato ang naisugod sa hospital habang 12 na iba pa ang nalapatan ng first aid at dalawang Toyota Hi-Ace vans ang nagtamo ng mga sira sanhi ng tornado na tumama sa limang mga barangay sa naturang bayan nitong hapon ng Huwebes.
Ang bilang ng mga nasaktan at ang lawak ng pinsalang sanhi ng kalamidad ay batay sa inisyal na imbestigasyon ng tropa ng Tupi Municipal Police Station, sa pangunguna ni Major Rovi Jardenil, katuwang ang mga opisyal ng Bureau of Fire Protection sa naturang bayan at ng Tupi Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office.
Sa mga hiwalay na ulat ni Jardenil at Emil Sumagaysay na namamahala ng Tupi Disaster Risk Reduction and Management Office, apektado ng naturang kalamidad ang mga magkakatabing mga barangay ng Crossing Rubber, Cebuano, Lunen, Tubeng at Palian.
Malawak din na mga sakahan na may tanim na mga short-term crops at pinya ang sinira ng tornado, ayon sa dalawang opisyal.
Ayon kay Kay Jardenil, may dalawang mga airconditioned vans ang nasira ng tamaan ng mga punong nabuwal sanhi ng tornado. (May 30, 2025)
