Gagawing mas malawak pa ng 6th Infantry Division ng Philippine Army at ng mayor’s office sa Cotabato City ang pagtutulungan sa mga programang kaugnay ng Mindanao peace process at pagsuporta sa law-enforcement activities ng pulisya sa lungsod.

Sa ulat nitong Huwebes, October 9, ni Major Gen. Donald Gumiran, commander ng 6th Infantry Division, nag-courtesy call na kay Mayor Bruce Matabalao nitong Martes, October 7, ang bagong talagang acting commanding officer ng 6th Civil Military Operations Battalion, si Lt. Col. Ronald Suscano, biglang pagbigay galang sa alkalde na siyang chairman ng multi-sector Cotabato City Peace and Order Council.

Ang Cotabato City ang siyang kabisera ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao na ang chief minister, si Abdulrauf Macacua, ay kasama ni Matabalao sa United Bangsamoro Justice Party at masigasig na supporter din ng peace and security programs ng Cotabato City government.

Si Suscano ay nag-assume bilang 6th CMO Battalion commanding officer nito lang nakalipas na lingo, kapalit ni Lt. Col. Roden Orbon na nalipat na sa Philippine Army headquarters sa Fort Bonifacio sa Taguig City sa Metro Manila.

Si Matabalao ay may extensibong peace and security thrusts sa Cotabato City na suportado ng sectoral leaders sa lungsod at ng mga leaders ng Moro Islamic Liberation Front at ng Moro National Liberation Front na parehong may peace agreements na sa national government. Ang chairman ng MNLF na si Bangsamoro Labor Minister Muslimin Sema ay residente ng Cotabato City.

Ayon kay Gumiran, commander din ng anti-terror Joint Task Force Central, ang 6th CMO Battalion na naka-base sa PC Hill sa Cotabato City ang isa sa mga direktang koneksyon ng 6th ID sa tanggapan ni Matabalao.

Ang Marine Battalion Landing Team-6 na tumutulong sa Cotabato City Police Office sa pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan sa lungsod ay nasa ilalim ng supervisional control ng 6th ID, pinamumunuan ni Gumiran, na masigasig ang suporta sa peace and security efforts ng administrasyon ni Matabalao.

Makikita sa larawan ang ngayon ay second-termer mayor ng si Matabalao at si Suscano sa kanilang initial peace and security dialogue nitong Martes sa mayor’s office sa People’s Palace sa Cotabato City. (October 9, 2025, Cotabato City, Bangsamoro Region)