COTABATO CITY (November 13, 2025) — Karagdagang 51 pa na mga mga estudyante ng isang Islamic school at kanilang mga guro na mga Islamic missionaries ang nabigyan ng tig-25 kilos na bigas sa panibagong public service mission nitong Miyerkules, November 12, ng isang doctor sa Bangsamoro parliament at ng kanilang chief minister na siyang namamahala ng autonomous regional government.
Mismong mga barangay at municipal officials sa Ligawasan sa Bangsamoro Special Geographic Area sa Cotabato province ang nag-ulat nitong Huwebes, November 13, na kabilang sa mga tumanggap ng ayudang bigas mula sa tanggapan ni Bangsamoro Member of Parliament Kadil Sinolinding, Jr. ang ilang mga mag-aaral sa isang maliit na Islamic school sa Barangay Buliok sa naturang bayan.
Si Sinolinding, isang physician-ophthalmologist, ay siya ring kasalukuyang health minister ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao.
Ang public service mission ng kanyang humanitarian team sa Barangay Buliok nitong Miyerkules ay suportado ng tanggapan ni Chief Minister Abdulrauf Macacua ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao, ayon sa municipal officials ng Ligawasan.
Ang Ligawasan ay isa sa walong mga bagong tatag na Bangsamoro municipalities na sakop ng BARMM government, ngunit nasa territory ng Cotabato province sa Region 12.
Ayon kay Ustadz Badruden Ampuan, isang Islamic preacher, malaking tulong para sa kanila at kanilang mga estudyante ang ayudang bigas mula sa tanggapan ni Sinolinding na may malawak din na medical missions na patuloy niyang isinasagawa para sa mga mahihirap na mga Muslims, Christians at non-Moro indigenous people sa mga Bangsamoro municipalities sa Special Geographic Area sa Cotabato province.