
agalak ang mga Manobo tribal leaders sa pagkakatanggap kamakalawa ng mga bagong sapatos ng 500 na mga batang sakop nila sa Magpet, Cotabato mula sa dating magkalabang mga pulitiko na ngayon ay nagtutulungan na sa mga programang pangkapayapaan.
Sa ulat nitong Sabado, December 21, 2024, ng ibat-ibang himpilan ng radyo sa Central Mindanao, magkatuwang na isinagawa ni Cotabato Gov. Emmylou Taliño Mendoza at ng dating katunggali niyang gobernadora ng probinsya, si Nancy Catamco, ang naturang humanitarian mission sa Manobo Elementary School sa Barangay Manobo sa Magpet, isang ancestral domain ng tribong Manobo.
Dating magkalaban sa pulitika sina Mendoza at Catamco, na reelectionist governor ng siya ay tinalo noong 2022 elections ng kasalukuyang gobernadora.
Abot sa 500 na mga batang Manobo na mag-aaral ang nabigyan ng mga bagong sapatos ni Mendoza at Catamco, na isa ding tribal leader sa probinsya, sa kanilang outreach mission sa Barangay Manobo.
Sa panayam ng mga reporters nitong Sabado, nagpahayag ng kagalakan ang mga Manobo tribal leaders sa Magpet, isa sa 17 na mga bayan sa Cotabato, sa pagiging magkaibigan na ng dating magkalaban sa pulitika na ngayon ay reelectionist na si Mendoza at si Catamco, na hindi kandidato sa anumang puwesto sa darating na 2025 elections. (December 21, 2024)