Abot sa 84 na mga pamilya ang nawalan ng mga tahanan sanhi ng malaking sunog sa Tambiling Calagundian area sa Barangay Central sa Mati City nitong gabi ng Biyernes, September 5, 2025.

Kinumpirma ng Mati City Disaster Risk Reduction and Management Office at ng mga officials ng Bureau of Fire Protection sa lungsod na abot ng 50 na mga bahay ang tinupok ng apoy sa naturang insidente.

Ang Mati City ang siyang kabisera ng Davao Oriental, isa sa mga probinsyang sakop ng Region 11.

Inilikas na ng mga kawani ng Mati City local government unit ang mga fire victims sa mga temporary evacuation sites, agad na nabigyan na rin ng inisyal na ayudang pagkain at tubig na maiinom.

Nagtutulungan ang Mati City DRRMO at ang mga imbestigador ng BFP mula sa fire station ng lungsod sa pag-imbistiga kung ano ang nagsanhi ng naturang sunog. (Sept.6, 2025, Mati City, Davao Oriental, Region 11)