NUEVA VIZCAYA —- Limang katao na pawang mga minero ang namatay matapos matagpuan ang kanilang mga katawan sa loob ng isang tunnel sa barangay Runruno, Quezon Martes ng madaling araw (24June).

Kinilala ng Quezon PNP ang mga nasawi na sina Daniel Segundo Paggana, 47; Lipihon Ayudan y Bumulyad, 56; Florencio Indopia y Napudo, 63, pawang mga residente ng Barangay Runruno; Alfred Bilibli y Dulnuan, at Joval Bantiyan, kapwa residente naman ng Barangay Cabuan, Maddela, Quirino.

Napag-alaman na isang nagngangalang Russel Tumapang, 29, residente ng Barangay Runruno ang nakadiskubre sa walang buhay na katawan ng mga biktima matapos pumasok sa loob ng tunnel sa Sitio Compound dakong ala 1:00 ng madaling araw.

Personal naman na ipinagbigay alam ni Barangay Captain John Babliing ang pangyayari sa himpilan ng.

Ayon ulat, ang mga minero ay maaring nawalan umano ng oxygen matapos madiskubre ang kanilang mga bangkay sa may 300 metro na lalim ng tunnel.

Habang sinusulat ang balitang ito ay kasalukuyan naman ang isinasagawang retrieval operations ng pinagsanib na pwersa ng mga awtoridad. (VICTOR MARTIN, JUNE 25, 2025)