Natunton at naaresto na sa Butuan City sa Region 13 ang dalawang lalaking pinatay ang kanilang mag-asawang amo na may-ari ng isang local chicken inasal-style na kainan sa Marawi City at ninakawan pa ng pera at mga alahas bago tumakas nito lang nakalipas na linggo.
Na-aresto ang mga suspects nitong Sabado sa Barangay Dulag sa Butuan City, kung saan sila nagtago matapos isagawa ang krimen.
Nagtulungan ang Police Regional Office-13, ang Butuan City Police Office, ang Marawi City Police Office at si Mayor Majul Gandamra, chairman ng Marawi City Peace and Order Council, sa law-enforcement operation na nag-resulta sa pagkaaresto ng dalawang salarin.
Nakatakda ng ihahatid ng mga kasapi ng Butuan police force ang dalawa sa Marawi City upang ma-detine sa isang detention facility sa lungsod kung saan sila lilitisin sa kanilang nagawang krimen. (May 18, 2025)