Apat na mga babaeng sakay ng isang minivan ang isinugod sa hospital sanhi ng road accident nitong gabi ng Sabado, June 7, 2025, sa Sitio Barugkot sa Kimarayag sa Pigcawayan, Cotabato.

Sa ulat nitong Linggo ng mga barangay officials at mga imbestigador ng Pigcawayan Municipal Police Station, nawalan diumano ng preno ang minivan kaya nawalan ng control and driver nito, lumihis, gumulong-gulong at lumagpak sa gilid ng highway.

Maagap namang naisugod ng mga emergency responders sa pagamutan ang apat na mga babaeng sakay ng minivan na nagtamo ng mga sugat at pasa sa katawan.

Isa sa apat na accident victims ay maselan ang kalagayan, ayon sa mga local officials. (June 8, 2025, handout photo, Nigel Paul Sumanghid)