Agad na namatay sa mga tama ng bala ang apat na mga supporters ng isang kandidato sa pagka-mayor ng Hadji Mohammad Ajul sa Basilan na naka-engkwentro ng mga armadong tauhan ng karibal na na kandidato nitong umaga ng Linggo, May 11, 2025.

Naganap ang madugong barilan, gamit ang mga assault rifles, sa Barangay Langil sa Hadji Mohammad Ajul, ayon sa ulat ng mga miyembro ng Basilan Provincial Peace and Order Council at ng mga opisyal ng Police Regional Office-Bangsamoro Autonomous Region.

Wala pang kumpletong ulat hinggil sa insidente ang Hadji Muhammad Ajul Municipal Police Station at ang Basilan Provincial Police Office, parehong sakop ng Police Regional Office-Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao. (May 11, 2025)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *