Apat na mga lalaking sumisinghot ng shabu sa isang drug den sa Barangay Lanao sa Kidapawan City ang agad na naaresto sa isang raid na isinagawa ng mga agents ng Philippine Drug Enforcement Agency-12 at ng mga pulis nitong Huwebes, July 24, 2025.
Kinumpirma nitong Biyernes ng mga local executives at mga miyembro ng multi-sector Kidapawan City Peace and Order Council na nasamsam ng mga PDEA-12 agents ang P234,600 na halaga ng shabu sa drug den ng apat na suspects, ngayon nakakulong na.
Inabutan ng mga PDEA-12 agents at mga operatiba ng iba’t-ibang units ng Police Regional Office-12 ang apat na suspects na sumisinghot ng shabu sa kanilang drug sa Bartolaba Subdivision sa Purok Rambutan sa Barangay Lanao na dinadayo ng kanilang mga parukyano.
Sa ulat nitong Biyernes ni Benjamin Recites III, director ng PDEA-12, naikasa ang naturang matagumpay na drug den raid sa tulong ni Police Brig. Gen. Arnold Ardiente, director ng PRO-12 at ng tanggapan ni Kidapawan City Mayor Jose Paolo Evangelista.
Hindi na pumalag ang apat na mga lalaking suspects ng dumating sa kanilang hideout ang mga PDEA-12 agents at mga pulis na naatasang i-raid ito at isara ayon sa kahilingan ng mga local officials. (JULY 25, 2025)