COTABATO CITY — Karagdagang 369 pa na mga may karamdaman na mga residente ng Cotabato City, kabisera ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao, ang nagamot ng libre sa panibagong medical mission nitong Sabado, August 23, 2025, ng tanggapan ng isang abugadong miyembro ng BARMM parliament.
Magkatuwang sa medical mission nitong Sabado sa Barangay Poblacion 7 sa Cotabato City ang isang outreach team ng tanggapan ni Bangsamoro Parliament Member Naguib Sinarimbo at mga kawani ng Ministry of Health-BARMM na ang namamahala, si Health Minister Kadil Sinolinding, Jr., ay isa din sa mga kasapi ng 80-seat regional lawmaking body.
Sa tala ng health workers at mga community leaders, hindi bababa sa 3,000 na na mga residente na ng iba’t-ibang barangays sa Cotabato City at sa Bangsamoro Special Geographic Area sa probinsya ng Cotabato sa Region 12 ang naka-benepisyo sa mga relief missions ng outreach team ng tanggapan ni Sinarimbo mula ng siya ay itinalaga ni President Ferdinand Marcos, Jr. bilang miyembro ng BARMM parliament nito lang March 2025.
Ayon kay Sinarimbo, dating local government minister ng BARMM, naging matagumpay ang kanilang mga medical missions dahil sa suporta ng MoH-BARMM at ng chief minister ng Bangsamoro region, si Abdulrauf Macacua. (August 26, 2025, Cotabato City, Bangsamoro Region)