Isang matinding dagok ang dinanas ng isang mahirap na pamilya sa probinsya ng Bukidnon.

Tatlong magkakapatid na mga babae na tumawid sa Bubuwanan River sa isang highland town sa Bukidnon ang tinangay ng malakas na agus ng tubig baha na noon dumadaloy sa ilog mula sa mataas na lugar, kasunod ng malakas na ulan sa mga kabundukan sa kapaligiran.

Wala ng buhay ang tatlong magkapatid ng matagpuan ng mga rescuers na humanap sa kanila matapos iulat ng mga saksi at mga kamag-anak na natangay sila ng agus ng tubig sa ilog habang ito ay kanilang tinatawid. (Handout photos, June 29, 2025)