Abot ng 284 na mga residente ng isang bagong tatag na municipality sa Special Geographic Area (SGA) ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao ang naka-benepisyo mula sa isang medical mission ng tanggapan ng isang abugadong kasapi ng BARMM regional parliament.

Mismong mga municipal officials sa Kadayangan sa SGA na sakop ng BARMM, ngunit nasa loob ng Cotabato province na nasa teritoryo ng Region 12, ang nag-ulat nitong Huwebes, August 21, ng pagsagawa ng naturang medical mission ng tanggapan ni Bangsamoro regional parliament member Naguib Sinarimbo.

Suportado ni Bangsamoro Chief Minister Abdulrauf Macacua, ni Butch Malang, na isa ding regional parliament member, at ng tanggapan ni Minister Kadil Sinolinding, Jr. ng Ministry of Health-Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao, o MOH-BARMM, ang Kadayangan medical mission ng tanggapan ni Sinarimbo.

Mahigit 3,000 na na mga residenteng may mga sakit sa ilang mga barangay sa Cotabato City, na siyang kabisera ng BARMM, at sa SGA barangays ang nagamot ng libre at nabigyan pa ng mga gamot sa mga medical missions na isinagawa ng tanggapan nila Sinarimbo at Macacua at ng MoH-BARMM nito lang nakalipas na tatlong buwan.

Si Sinarimbo ay naging local government minister ng BARMM muna bago naitalagang miyembro ng 80-seat Bangsamoro parliament nito lang March 2025 ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. (August 21, 2025, Kadayangan, Cotabato Province)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *