Abot ng 20 ka katao ang nagtamo ng mga sugat at pasa sa katawan sanhi ng aksidenteng kinasasangkutan ng isang van, isang truck at isang sports utility vehicle sa Barangay Klinan sa Polomok, South Cotabato nitong umaga ng Huwebes, June 12, 2025.

Sa ulat nitong hapon ng Huwebes ng mga opisyal ng Polomolok Municipal Police Station, sangkot sa aksidente sina Nissan Shuttle van driver Roger Montecalbo, Fuso Canter truck driver Arnel Ramos at Subaru SUV driver Ronald Vasquez.

Sa salaysay ng mga saksi sa mga police investigators na nag-responde sa insidente, labis ang bilis ng takbo ng pampasaherong van na biglang nasapol ang sinusundang Fuso Canter at nahagip pa ang kasalubong na Subaru SUV.

Sa recording ng dash cam ng Subaro na minamaneho ni Vasquez, malinaw na ang Nissan Shuttle van ang nakasanhi ng karambola ng sasakyan,

Agad namang isinugod ng mga emergency responders mula sa Polomolok local government unit sa isang pagamutan ang mga pasahero nito upang malapatan ng lunas.

Bahagyang nasaktan din sa aksidente si Vasquez. (June 13, 2025, handout photo)