Isang pulis ang napatay sa pamamaril madaling araw nitong Martes sa Isulan sa probinsya ng Sultan Kudarat, pangalawang pulis na pinaslang sa Central Mindanao sa loob lang ng 16 oras.

Naglalakad si Sgt. Police Sgt. Geoffrey Angub sa gilid ng highway sa Barangay Kalawag 2 sa Isulan, ang kabisera ng Sultan Kudarat, ng lapitan ng suspect na nakilalang si Vincent Dalanon at agad na pinagbabaril ng pistol na nagsanhi ng kanyang agarang kamatayan.

Sa ulat ni Lt. Col. Julius Malcontento, Isulan police chief, kinumpirma ng mga saksi sa insidente na si Dalanon ang nakapatay kay Angub na mabilis na nakatakas.

Ang pagkakapatay ni Dalanon kay Angub ay naganap eksaktong 16 oras matapos mapatay sa katulad na pamamaril, nitong tanghali ng Lunes sa Barangay Tonggol sa Datu Montawal, Maguindanao del Sur si Patrolman Patrolman Jomar Madaliday Kalantungan ng isang salarin na agad ding nakatakas.

Nasa isang bakery sa Barangay Tonggol si Kalantungan ng lapitan ng isang lalaki na may pistol at agad siyang pinaputukan ng ilang beses bago tumakbo palayo.

Si Angub at Kalantungan ay parehong na-deklarang dead on arrival ng mga doctors sa mga hospital kung saan sila isinugod ng mga emergency responders para sana malapatan ng lunas. (May 27, 2025)