Dalawang sakay ng isang multicab ang namatay sanhi ng aksidenteng kinasangkutan ng kanilang sasakyan at at isang pampasaherong van sa Barangay Buko sa Kinoguitan, Misamis Oriental nitong hapon ng Huwebes, June 12, 2025.

Sa ulat nitong Biyernes ni Captain Eugene Zambrano, Kinoguitan municipal police chief, ang aksidente ay nagsanhi sa pagkamatay nila Joselito Baclayon at Joni Tedlos na magkasama sa isang multicab, patungo sa kung saan ng ito at ang isang pampasaherong van ay nagsalpukan sa isang bahagi ng highway sa Barangay Buko.

Lumagpak ng patagilid sa tabi ng highway ang van sanhi ng pag-iwas ng driver nito sa kasalubong na multicab na nakabanggaan nito. Wasak din ang multicab sanhi ng aksidente.

Mga menor-de-edad na basketball players ang sakay ng van na patungo sana sa bayan ng Balingoan sa Misamis Oriental upang lumahok sa gaganaping Mindanao Youth Basketball League sa naturang bayan.

Limang mga kasama sa van ng mga nasawing sina Baclayon at Tedlos at labingdalawang mga basketball players na nasa van na nasangkot sa aksidente ang naisugod sa pagamutan ng mga emergency responders upang malapatan ng lunas.

Lahat silang mga nagtamo ng mga sugat at pasa sa katawan ay nasa ligtas ng kalagayan, ayon kay Police Captain Zambrano. (June 13, 2025)