MAGUINDANAO DEL SUR —-Dalawang mga motoristang may mga baril na hindi nagpa-inspect sa mga sundalong nasa checkpoint sa Barangay Tuka sa Mamasapano, Maguindanao del Sur at nanlaban pa ang napatay sa engkwentro sa isang bahagi ng highway sa naturang lugar nitong hapon ng Biyernes, August 29, 2025.
Kinumpirma nitong umaga ng Sabado, August 30, ng mga opisyal ng Maguindanao del Sur Provincial Police Office at ng 601st Infantry Brigade ng Philippine Army na napilitang gumanti ng putok ang mga tropa ng 33rd Infantry Battalion na nagsasagawa ng checkpoint operation noon ng sila ay paputukan ng dalawang mga armado — sina Muha Gamba at Nasser Akmad —- na mga residente ng Shariff Aguak, Maguindanao del Sur.
Ayon sa mga local officials, hindi ambush ang insidente gaya ng unang naiulat ng mga broadcast outfits sa Central Mindanao.
Na-turn over na ang mga bangkay nila Gamba at Akmad, na nakunan ng isang ,45 caliber pistol at granada, ng mga mga imbestigador mula sa Mamasapano Municipal Police Station at mga police forensic experts na nag-responde sa insidente. (August 30, 2025)