Walang ng buhay ang 18-anyos na si Rhona Mae Patricio ng matagpuan ng mga residenteng nakahandusay sa isang mababaw na ilog sa isang liblib na lugar sa Old Bulatukan sa bayan ng Makilala sa Cotabato nitong umaga ng Huwebes, June 11, 2025.
Ayon sa spokesman ng Makilala Municipal Police Station, si Chief Master Sgt. Richie Gesulga, at sa mga kapamilya ni Patricio, nagpaalam siyang lalabas ng bahay nitong gabi ng Miyerkules upang maghanap ng lugar na may cellphone signal at hindi na nakauwi mula noon.
Natagpuang patay na si Patricio, walang mga damit at underwear, sa isang ilog sa isang historical boy scout camping site sa Barangay Old Bulatukan sa Makilala nitong umaga ng Huwebes.
May mga sugat sa ulo si Patricio na ayon sa mga lokal na kinauukulang ay siyang sanhi ng kanyang pagkamatay.
May teorya ang mga police investigators at mga barangay officials na ginahasa muna ang biktima bago hinampas ng matigas na bagay ang ulo ng ilang beses. (June 13, 2025, handout photos)