Arestado ang 16 na mga pinagduduhang mga teroristang sakay ng isang lantsa na dumaong sa dalampasigan ng Barangay Matiag sa Siocon, Zamboanga del Norte nitong madaling araw ng Huwebes, May 1, 2025.

May natagpuang isang M16, isang M14 at isang .45 caliber pistol at ibat-ibang mga kalibre ng bala ang mga pulis na nag-search lantsang lulan ang mga lalaking maagap na naaresto.

Kinumpirma nitong Sabado ng deputy police chief ng Siocon, si Lt. Yusuf Lim, at ng mga opisyal ng Zamboanga del Norte Provincial Police Office na naka-detine na ang 16 na mga lalaking mula sa Zamboanga City at iba’t-ibang mga bayan sa Sulu at Tawi-Tawi.

Inaalam pa ng mga magkasanib na mga imbestigador ng Siocon Municipal Police Station at mga intelligence agents ng ibat-ibang mga units ng Police Regional Office-9 kung ano ang pakay ng naturang mga lalaki sa bayan ng Siocon. (May 3, 2025) 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *