Isang barangay tanod ang patay habang dalawang iba ang sugatan sanhi ng ambush sa sentro ng Shariff Aguak, Maguindanao del Sur nitong Linggo, May 18, 2025.

Sa inisyal na ulat ng local executives at mga imbestigador ng Shariff Aguak police force, sakay ng kanilang patrol light truck ang mga tanod ng paputukan ng mga armadong nakaabang sa gilid ng kalye at mabilis na nakatakas.

Tatlong mga miyembro Barangay Peacekeeping Action Team, o BPAT, mas kilala sa tawag na barangay tanod, sa Shariff Aguak, ang magkasunod na napatay sa mga hiwalay na pamamaril sa loob ng apat na linggo bago naganap ang May 12, 2025 elections.

May teorya ang mga opisyal ng Shariff Aguak Municipal Police Station at Maguindanao del Sur Provincial Police na magka-ugnay ang lahat ng mga naturang insidente. (May 19, 2025)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *