Isang 19-anyos na babae ang nasawi habang malubha naman ang kanyang live-in partner sanhi ng banggaan ng kanilang motorsiklo at isang kotse sa highway sa Sinunuc sa Zamboanga City nitong Biyernes, September 26, 2025.

Patungo sana sa Ayala area sa lungsod ang live-in partners habang ang kotse ay sa residential area na Blue Homes naman and direksyon ng magkabanggaan.

Sa lakas ng impact ng banggaan, tumilapon sa malayo ang babaeng sakay ng motorsiklo at bumagsak sa sementong highway na nagsanhi ng kanyang pagkamatay.

Malubha naman ang kanyang ka-relasyong lalaki, may maselang mga sugat at pasa sa katawan, naka-confine na sa isang hospital. (Zamboanga City, Region 9, September 27, 2025, Facebook images)