Walang awang pinagbabaril at nasugatan ng kapitbahay ang 38-anyos na babae —- si Fatima Salim Matiman — nitong hapon ng Linggo, June 29, 2025, sa Purok Talitay sa Barangay Rosary Heights 7 sa Cotabato City.

Sa ulat ng Cotabato City Police Office, lumabas lang ng bahay si Matiman dahil may gagawin ng lapitan ni Aron Damao Guiapal at agad na pinaputukan bago mabilis na tumakas.

Ayon sa mga kakilala at mga barangay officials, si Guipal, 30, anyos, ay driver ng tricycle at matagal ng pinagduduhang lulong sa shabu.

Agad namang naisugod ng mga emergency responders si Matiman sa hospital upang malapatan ng lunas. (June 29, 2025)